|
Jan
22, 2000
Painter
daw
Matagal
nang naghahanap ng trabaho yung bagong saltang Pinoy. Nakakita siya
ng posibilidad sa "Help Wanted" section ng Classified Ads.
"Wanted - Painter of Porch". Aba!, sabi nung Pinoy sa
sarili... OK ito! Sa Pilipinas, e marami na akong pininta; yung
libingan ng lolo ko, yung pader ng lumang bahay namin, yung kulungan
ng mga baboy ng tiyo ko - pwede palagay ko ako rito!
In-explain nung Kano na nangangailangan ng pintor: "I need to
have my porch painted, all in one day. The work involves scraping
all the paint up to the bare surface, applying a coat of primer and
two final coats of orange paint. Can you do this?"
Sagot nung Pinoy nung ininterbyu siya ng Kano... "Sir, yes sir.
I can kaskas... I mean, remoob paint en apply paint beri well."
"Okay!", sabi nung Kano. "You've got the job!
Everything you'll need has been unloaded from the trunk of the
car."
Tatlong oras pa lang, narining na nung Kano na kumakatok yung Pinoy
sa pinto niya. "Sir... Pinis oreydi".
"Wow!" sabi nung Kano. "You finished the job in three
hours. Are you sure you scraped the old paint to the bare
surface?"
"Sir, yes sir. I tanggalated all the old paint." sagot
nung Pinoy.
"Then, you deserve a bonus! Here's another 20 bucks." sabi
nung Kano.
"Sir, tenkyu sir." wika nung Pinoy. "Pero sir, you
don't heb a porch... your car is a BMW..."
Jan
21, 2000
Dan
Balikbayan from Bicol
Dumating
si Dan sa Amerika sa tuloNg nang kanyang kumpare na may kontak sa
immigration sa Pilipinas. Medyo tagilid ang papeles niya kaya
masyado siyang maingat (TNT). Ayaw man lang lumabas ng bahay si Dan
kung hindi kasama ang kanyang kumpare.
Eh minsan, nagsawa na ang kanyang kumpare sa kaaalalay sa kanya.
"Pareng Dan," Sabi ni kumpareng itinatago ang inis, "Heto
ang susi ng kotse, at mga credit cards ko. Mag-shopping ka naman sa
mall, lumbabas ka naman ng bahay nang malibang ka naman. Kung may
problema ka, tawagan mo ako sa telepono sa opisina, papasok na ako."
Eto na po, dahil na siguro hiyang-hiya na rin si Dan, kahit nerbiyos
na nerbiyos ang kulokoy, sinubukan niyang lumabas. Tuwang-tuwa si
tarantado (Dan) sa pamamasyal sa mall. Nakapili ng damit na gusto
niya, pero pagdating sa cashier, biglang tanong sa kanya Sir! Visa,
or MasterCard!?
Biglang nataranta at natakot si Dan, todo-panic ika nga! Karipas ng
takbo palabas si Dan, dahil sa takot! "Aba!, tinamaan ng lintik
at hinahanap ang visa ko!" sabi ni Dan, "Baka nabisto na
ako!, Shet!" Sakay kaagad siya nang kotse ni kumpare, haruruot!.
Kaso, halos wala nang gas ang sasakyan kaya huminto siya sa isang
gas station. Nang maglagay siya nang gas, biglang nagsalita ang
cashier sa speaker, "Sir!, pay first
please!".
"Naku, patay! Papers daw! Hinahanap ang papers ko!"
Nagtatakbo si Dan sa maga eski-askinita hanggang makakita siya ng
pay phone. Patago-tago siyang lumapit sa pay
phone.(hingal)Kailangang...(hingal) ... matawagan ko .... (hingal)
si Kumpare ... (hingang malalim, sabay lulon) para masundo niya ako
rito ... (hingal).
Pagtaas niya ng telepono, narinig niya, "AT&T, how
may I help you?"... ..... "Aba, Anak ng putakteh!, alam na
TNT ako! Buking na ako!" Pagbaba niya ng telepono, may
amerkanong nakatayo sa likod niya, ang tanong ba naman.....
"Are you done?". Napahandusay si Dan sa phonebooth.
Biglang bulalas,
"Buray kan ina!, alam pa ang pangalan ko!" Sa gulat ng
amerkano ..... "Hey! be cool, man!", "Hinakupo,"
sabi ni Dan, "Alam pa kung taga-saan ako!".
Sa matinding takot at nerbiyos ni Dan, nagpahuli na lang siya.
Ngayon si Dan ay nasa Bicol na muli at binansagan siyang si
"Dan Balikbayan".
Jan
20, 2000
A
filipina was in a flight to the the US and at some point the flight
the attendant was serving salad to the passengers and so she came
back after a few minutes and asked the filipino, "How's the
dressing?" (referring to the salad), and the filipina replied,
" OH, MY CLOTHES ARE VERY COMFORTABLE THANK YOU."
When
Alma Moreno was in McDonalds ordering food she was asked if it was
FOR HERE OR TO GO and she replied, " NO ITS FOR VAN DOLPH"
In
the news it was mentioned that Erap was gonna buy Philippine
AirLines and that he's gonna call it ERAP-plano!
Jan
19, 2000
Paano
mo mapapagkasya ang 71 katao sa isang kotse at tumatakbo pa kayo ng
120 Mph.
Ganito 'yun: Iyung dalawang tao nasa likod ang nag-si-sixty nine,
then plus driver and watcher.
Paano mong malalaman kung walang panty ang madre?
Pag nakita mo iyong itim na sapatos niya na may balakubak.
Jan 18, 2000
Civilized na
IDOT: "Kumusta na?
Long time no see ah!"
BONI: "Kararating ko lang galing sa Africa."
IDOT: "Africa?"
BONI: "Doon kami nadestino."
IDOT: "Hindi ba maraming cannibals doon?"
BONI: "Nakakatakot nga, pero mga edukado na ngayon sila."
IDOT: "Hindi na ba sila kumakain ng tao?"
BONI: "Nangangain pa rin ng tao, pero gumagamit na ng kutsara!"
Jan 17, 2000
Last Wish
Katatapos lang
basbasan ng pari ang isang presong nakaupo sa silya-electrika.
PARI: "Mayroon ka bang nais na hilingin bago ka bawian ng buhay?"
PRESO: "Opo."
PARI: "Ano yon, anak?"
PRESO: "Pwede po bang hawakan n'yo ang kamay ko hanggang bawian
ako ng buhay?"
Jan 16, 2000
During a press
conference on morality...
Reporter: Sir, how many women do you believe must a man marry?
Erap: 16 !!!
Reporter: Why???
Erap: Because the priest says:
Four richer, four poorer, four better, four worse.
One particular day many years ago, Erap's wife was having labor
pains.
Erap panicked so he called their doctor.
Erap: Hello, doc. My wife is in labor!
Doc: Is she in a lot of pain?
Erap: Yes, doc!
Doc: Is this the first baby?
Erap: No, doc. This is Erap!
BACK
|